______________*[[_____ im not perfect. - but neither are you (: //*`_____
First Posted in my Friendster Blogsite
October 19, 2005
Ganito na siguro talaga ang buhay ko...maghanap ng kaligayahan. Nakakatuwa no trabaho kong magbigay ng kaligayahan sa mga matrona, bading at kung anu-ano pa e ako pa ang naghahanap ng kaligayahan... Opo CALLBOY ako, astig no! Sinong mag-aakalang callboy ako samantalang ang mga magulang ko nasa Tate tapos eto ako patayu-tayo sa Recto at dyan sa may Isetann... Wala e ganun talaga yun, ayoko ko kasing umasa na sa mga magulang ko at gusto kong mamumuhay mag-isa at suportahan ang sarili ko. Kahit papaano nagagawa ko naman... salamat sa kahit papaanong itsura kong may pagmumukha e patok ako sa mga alam nyo na.... Asus kung hindi nyo lang alam hinahanap-hanap ako ng mga naseserbisyohan ko at pinagtatanong ang pangalan "----------" ... Hwag na lang! Hindi na mahalaga malaman nyo pa ang pangalan ko, gusto ko lang ay mapakinggan nyo ako... Salita kasi ako ng salita ngunit alam mo yun, kunwari interesado silang makinig ngunit hinihintay lang nila ibaba ko ang aking brief at yun... yun na ang kinakausap nila kaya ako sarili ko na lang ang kinakausap ko...
Kaibigan? Oo meron akong kaibigan, actually kapatid na nga ang turing ko dahil nag-iisa lang naman akong anak... kaya gustung-gusto kong magkapatid... Sa kanya ko madalas nasasabi at nakukuwento ang lahat ng mga hinaing ko sa buhay, o kahit ang kababawan na nanagyayari at ginagawa sa akin ng mga customers ko, matamang nakikinig siya, nagbibigay komento at kuru-kuro pero... Hayaan na lang natin siya madalas may sarili siyang iniisip at madalas parang hindi kami nagtatagpo, palibhasa matalino kasi kaya hindi ko mabasa kung ano ang iniisip nya...
Hayaan nyo na, kuwento ko ito... hindi nya kuwento... so yun nga sa tingin ko ang hirap-hirap makuha talaga yun, yung kaligayahan.... Puta! Huwag kayong malisyoso... iba naman ang iniisip nyo eh! Kung yun lang ay sus araw-araw naaabot ko yun pero sinasabi ko sa inyo hindi yun ang sinasabi ko... Madalas dumadaan ako ng simbahan... dyan sa may St. Jude o di kaya sa may Sta. Cruz, matamang nagtatanong, saan ko ba makikita yun... sa mundong ito nandito ba yun?
Dati sinabi ko magkaroon lang ako ng kotse, ako na ang pinakamaligayang tao sa buong mundo.... Hindi din pala, dalawang kotse pa nga napasaakin eh! Pero ano pagkatapos nun may emptiness kang nararamdaman sa pagkatao mo at pag-uwi mo sa bahay, pagpinatay na ang ilaw at paghiga mo sa kama, nandun yung pakiramdam sa kawalan... Balik na naman sa dati, kaya kung hindi man, para maibsahan ang sakit na nadarama, sakit na mas gugustuhin mo na ang hiwain at laslas sa braso kaysa sakit na nararamdaman sa loob, na hindi mo alam kung saan ang pinanggagalingan na kahit itulog mo ay hindi mawawala... Ayun dinadaan ko sa alak... kung hindi man lumalabas na lang para magbigay ng ligaya...
Nakakasawa ding magbigay ng ligaya... na sa tingin mo sa pagbibigay mo ng ligaya ay makakuha ka din ng ligaya dahil nakakapagbigay ka ng ligaya sa mga taong nangangailangan din nito... pero hindi... hindi ganun.... saan ba yun mararamdaman... minsan sa sama ng loob naisipan kong maglakad-lakad ng napakaaga, magbaybay sa mausok na kalsada sa Quezon Avenue, inumaga kasi na ako sa pagtambay sa Circle, may isang bading na nagpapanggap na lalake, akala ko nga callboy din ang kumontrata sa akin... aba hinanapan pa ako ng kung anu-ano kasi nag-iingat daw siya at parang nandidiri pa at ayaw makipag-usap ng malapitan kulang na lang mega-phone sa sobrang layo nya... sa banas ko umalis na lang ako kahit kailangan kong kumita nung gabing yun...
Naglakad-lakad ako at nakarating ako ng Sto. Domingo, dun umupo lang ako at kunwa'y nakinig pero napakaraming pumapasok sa isipan ko... sa sobrang pag-iisip, nakatulog na ako... Umuwi na ako sa amin, nakalimutan ko may hinanda pala akong almusal, gawain ko kasi yun bago umalis para mag-service e hinahanda na yung almusal... malamig na...
Malamig na ang tubig na dumadaloy sa shower, nakasalampak ako sa sahig matamang bumabagsak ang mga luha kasabay ng bagsak ng tubig sa shower... Nararamdaman ko na naman ang sakit kong walang sino man ang makakapagpagaling o makakapawi, ni kahit magulang ko ay di maibsan, o ang kaibigan ko o kahit sino mang taong nakapaligid sa akin...
Sa aking mga kamay hinugasan ng tubig ang umaagos na pula na nakalimutan ko kung saan nagmula basta patuloy lang sakit na nararamdaman ko... tama nga siguro walang sagot sa mga katanungan... walang lunas sa sakit na nararamdaman... kailangan mo lang siyang wakasan.... Unti-unti ninanakaw ang lakas sa aking katawan, animo'y nagmamanhid ngunit ano itong nararamdaman ko na parang masarap, ang sarap-sarap... isang singhap napangiti ako sabay bagsak ko sa semento ng aming banyo...
[x] im not perfect either
4:49 PM
thaiprince //* 0=)
AGO
I am a very sensitive person. I refuse to view things only from a sober, rational standpoint.I listen with my feelings. I kinda reject people who scorn romanticism and are guided only by rationality.I refuse to let anything confine the rich variety of my moods and emotions.
I have found my purpose in life and I am bound to accomplish that with God's help and with the people whom I love, beside me.
I would like to take a new outlook in life, I want to be strong and be able to overcome all the difficulties and trials in life. I want to appreciate all the good things in life and share it to everyone. I want to learn from the simple things and from the mistakes I have committed in the past.
I want to be A BETTER and HUMBLE MAN...
LOVED ONES
[x]Ivy.
[x]John Paul.
[x]Mark.
[x] designerr`-//*

TORTURED ANGEL
I live for others, but others do not live for me.
It is an impish cry creeping through the veins of my heart,
like a potion destined to pollute my blood.
I give what is mine and give even the things I don't have.
I am a slave of the slaves, I live with nothing but myself.
I see no happiness, I just feel pain so they may feel the happiness they longed to have...